Sunday, January 10, 2010
PAG NAKIKITA ANG MUKHA NI SANTINO, GUMAGANDA ANG GABI, KAPAG MUKHA NI DING, NAUUNSYAMI KAMI
Sa totoo lang, eklavumer. Tunay na importante ang “looks” ng isang artista para mapasaya mo ang mga tao. Kasi naman, iba pa ring visuals, nakakaganda ng mood at lalo kang sisigla. Kaya naman sa tuwing makikita namin ang napaka-among mukha ni Santino (ang batang bida sa teleserye ng channel 2 na “May Bukas Pa”) , gumaganda ang gabi namin. Napaka-cute niyang tignan sa telebisyon at fresh na fresh siya, halata mong hindi napapagod at inaabuso ang batang katawan sa pagte-taping. Ang kanyang mga mata na bilog na bilog, very alive at alam mong husto ang tulog. Alam mo ding inaalagaan siya ng husto ng kanyang mga magulang, handlers, lalo na ng channel 2.
Na napaka-contrary yata sa impresyong naibibigay ng isang artistang bata sa kabilang istasyon- yung batang gumaganap na “Ding” sa isang fantaserye duon na mas mainam na huwag na naming banggitin ang pangalan at baka sumikat pa (kasi naman, maski nasa isang teleserye na ito ay wala pa ring nakakakilala sa kanya dahil hindi binibigyan ng publisidad ng manager niya). Pagmasdan ninyo maige ang hitsura ng bata, napaka-pangit! Mukhang haggard na haggard na sa pagtatrabaho, napakaitim, halata mong kulang sa tulog at nababansot na! Kawawang bata! Kung sino man ang personal manager ng batang ito, hindi ba’t tungkulin niya na “ayusan” man lang sana yung bata? Napakapangit niya, eh. Maski napakagaling niyang umarte na pilit na pilit naman ang dating (hindi katulad ni Santino na napakagaan lang ng acting, walang masyadong effort, pero ang lakas ng dating), at halata mong may trauma at tensyon na yung bata sa katawan niya! May problema na rin yata ang batang ito sa mga magulang niya, and worse, tila pinagkakakitaan na lang siya ngayon ng mga tao sa paligid niya. Dapat sigurong umaksyon na yung istasyon o TV network na tumutulong sa batang ito. Sayang at kawawa naman siya,eh.
--Robert Silverio
Labels:
ABS-CBN,
GMA,
Kapamilya,
Kapuso,
Star Magic
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment