Bukod sa laging may nurse at doctor sa taping ng Habang May Buhay, kumuha rin ng crash course on nursing si Judy Ann Santos para magampanan ng tama ang role niyang nurse at makumbinse niya ang viewers na isa nga siyang nurse.
Nag-enjoy siya sa pagkuha ng blood pressure at naa-apply niya sa everyday life ang natutunan sa pagkuha ng crash course.
Matutuwa rin ang mga nurses sa ipinahayag ni Judy Ann tungkol sa dedikasyon nila sa kanilang trabaho. Sabi ni Judy Ann : “Sobrang tindi ng respeto ko at bilib ako sa kanila dahil kahit maliit ang suweldo, buong buhay nila inaalay sa pag-aalaga sa ibang tao. Nakabibilib din ang haba ng pasensiya nila. Ngayon ko na-realize kung bakit kahit sa ibang bansa, gustung-gusto ang Filipino nurses.”
May eksenang hinawakan ni Derek Ramsay ang boobs ni Judy Ann, pero sabi ng aktres, wala siyang boobs kaya walang nahawakan ang aktor. Saka sa mga ganung eksena, may mga magic na ginawa si direk Wenn Deramas para lumabas na makatotohanan ang eksena. May lovescene rin sila ni Derek na ‘di na nito nakuwento kung paano kinunan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment