Thursday, January 21, 2010

P20M, alok ng presidentiable kay Juday!


TWENTY million pesos daw ang offer ng isang presidentiable kay Judy Ann Santos upang i-endorse niya ito. Pero wala pa raw sagot ang young superstar sa offer na ito.

Hindi natin masisisi si Juday kung pag-isipang mabuti ang presidentiable na ieendorso.

Tutal naman kaya niyang kitain ang perang ‘yon lalo na’t wala nang pigilan ang airing ng series niyang Habang May Buhay, nagsimula na rin sila ni Sarah Geronimo ng movie at ayon sa manager niyang si Tito Alfie Lorenzo, nag-renew ng kontrata ang produktong ini-endorse niya, huh!

At saka, kinu-consider din ni Juday ang sasabihin ng asawang si Ryan Agoncillo, hindi tulad noon na si Tito Alfie lang ang nagdedesisyon sa mga projects niya.

JUN NARDO – ABANTE ONLINE

No comments: