Wednesday, January 13, 2010

Eula Valdez nagsalita sa Pambabastos Ni Alfie Lorenzo sa BF nito!


Nagsalita si Eula Valdez sa presscon ng The Last Prince tungkol sa diumano’y pambabastos ni Alfie Lorenzo sa kanyang boyfriend na si Rocky Salumbides.

Ang pakiramdam ni Eula, nabastos si Rocky dahil ipinakita ni Ka Alfie sa kanyang boyfriend ang nude picture nito. Nag-alala si Eula dahil hindi sanay sa showbiz si Rocky.

Naniniwala kami na walang intensyon si Ka Alfie na bastusin si Rocky, pero ang nangyari ay isa sa mga risk ng madalas na pagsama ni Rocky sa mga lakad ng kanyang girlfriend.

Ilang linggo na nanatili sa PBB house si Rocky. Nakita ng televiewers ang kanyang tunay na ugali kaya hindi nangimi si Ka Alfie na tanungin siya tungkol sa nude photo niya na kumalat sa Internet.

Hindi nakakalimutan ng PBB Double Up televiewers ang mga patutsada ni Rocky tungkol sa sexuality ni Rica Paras, ang transvestite contestant ng show. Marami ang na-offend sa discrimination ni Rocky kay Rica na napanood sa national television.

Sinabi ni Eula sa interview sa kanya na naging insensitive sa feelings ni Rocky ang entertainment columnist. Nakaligtaan niya na naging insensitive din ang kanyang boyfriend dahil sa panglalait nito sa katauhan ni Rica. What goes around comes around.

No comments: