Wednesday, January 13, 2010

Blind Item: Kontrobersiyal na sexy actress nagpaparamdam, nagpadala ng paella kay Direk!

BAGAMA’T BUONG PUSO NAMANG tinanggap ng isang TV director ang regalong pagkain na ipinahatid sa kanyang pamilya noong Christmas Eve last year ng kanyang ex-girlfriend (na kontrobersiyal pa rin sa kanyang pagkakaugnay sa lalaking may sabit), past is past.

Nasa gym si Direk nu’ng time na ‘yon, dinatnan niya sa bahay ang kanyang imbiyernang ina who was obviously not touched by the gesture of her son’s former dyowa. The nerve pa raw ng aktres na ‘yon na padalhan sila ng paella, gayong ito ang kumalas kay Direk noon pang September in favor of a world-renowned local celebrity.

Pero wala na silang magawa, naroon na sa kanilang hapag-kainan ang paella na puwede naman nilang pagsaluhan nu’ng media nocheng ‘yon. Pero dayalog ni Direk: “Baka kaya siya (aktres) nagpadala ng paella, eh, feeling niya, naeelya pa rin ako sa kanya… hindi na, ‘no!”

No comments: