Friday, January 15, 2010

BLIND ITEM : CONSCIOUS SA CACHEAPAN!


ITO palang dating beauty queen na naging sexy actress ay napaka-conscious sa kanyang pagharap sa kamera. Kahit nga sa teleradyo lang ito nagge-guest na mas pinapakinggan kaysa pinapanood. Ang katuwiran niya, may kamera pa rin ‘yun, kaya dapat, lumabas ang maganda niyang anggulo.

Pinagtatawanan ito nang lihim ng isang grupo ng movie reporters na nag-interview rito over the said teleradyo program. Talbog pa raw ang mga gaya nina Karen Davila at Korina Sanchez na haharap sa teleradyo cameras nang walang kaayus-ayos at bahid ng make-up. To think na napakaliit lang naman ng exposure sa mga nagge-guest na artista sa ganitong klaseng programa.

Ang nakatatawa pa, bago ito umalis sa programa ay nag-OPM (oh, promise me!) pa sa mga reporter na naroroon para sa kanilang Christmas gifts. Only to find out na ang igigibsung lang pala ay give-aways na mga pabangong mukhang sa Divisoria lang nabili. Well, ang importante naman daw, it’s the thought that counts, sabi ng mga mapambuskang reporters.

Pero, ang shocking dito, nang langhapin nila ang pabango, mas mabango pa raw ang Albatross. Ibig sabihin, toilet deodorizer pala ang ibinigay sa mga reporter ng nalaosyang na sexy actress na nagpapanggap sa package nitong mamahaling pabango.

No comments: