Friday, January 22, 2010

Karen Davila baka lumipat sa TV5


May katotohanan raw sa blind item na unang nakita sa Ka-Blog kung saan lilipat raw si Karen Davila sa TV5 at sasama sa mas pinalakas na News and Current Affairs department nito.

Ayon sa isang artikulo ni Ricky Lo, sabi ni Karen Davila mismo na done deal na raw at itong desisyong ito ay isang napakalaking career move na magbabago sa kanyang look at language para mag-fit sa image ng TV5.

Ngunit, kahit na lilipat na siya ay hindi pa rin niya iiwanan ang TV Patrol World at ang DZMM radio show niya dahil okay lang raw sa ABS-CBN at TV5 na magtrabaho sa dalawang network.

Sa pangarap na maging isa sa mga busiest at most visible broadcast journalists ngayon, magho-host ng isang new morning news show sa ANC si Karen starting February 15. Maliban dito ay ang Pasada Sais Trenta sa DZMM, TV Patrol World at The Correpespondents.

No comments: