Wednesday, January 20, 2010

Kim and Gerald: What's the real score?


"Well, sa akin naman ho, siyempre 2010 na so pagod na rin po ako sa mga safe answers namin. Siyempre, sa tagal na magkasama kami ni Kim, four years na. Masasabi ko siguro, hindi kami nagku-confirm ng kung ano sa amin. Basta, ayaw ko rin sabihin we're really close friends dahil sa akin naman, sa point of view ko, tapos na kami sa friendship. Basta, ang sa amin, ayaw ko pong masaktan si Kim at siguro ayaw niya ring masaktan ako. So, 'yon na 'yon."

'Yan ang pahayag ni Gerald Anderson sa press conference ng pre-Valentine movie na "Paano na Kaya", kung saan kasama niya ang kanyang leading lady na si Kim Chiu.

Over 4 years ay parati silang naiintriga na sila na, ngunit ngayong 2010 ay kakaiba na raw ang kanilang relasyon dahil tapos na raw sila friendship. Ano pa ba ang ibig sabihin nun?

"Masaya naman ako kapag nandiyan si Gerald. Parang lagi akong safe kapag nandiyan siya. Lagi niya akong pinapatawa. Parang isa siya sa taong nagpapasaya sa akin ngayon and masaya kami kapag magkasama kami," pahayag ni Kim.

No comments: