Tuesday, January 19, 2010

Coco Martin admits having a speech problem!


No one can really have it all. Coco Martin, now known as the King of Indie Films, admits to having a speech problem and even shares about how he struggles with it on abs-cbn.com. Here's what he said about his 'lisp' problem:

“Aminado naman ako na may lisp problem ako. Pero para sa akin iba-iba ang pagiging aktor. Paniniwala ko hindi mo kailangan maging perpekto. Sa indie nasanay ako na aarte ako bilang tao kasi ‘yun ang dapat makita ng mga manonood.”

“Ayoko maging conscious masyado na kailangan perpekto ‘yun pagsabi ko ng lines. Patuloy kong sinusubukang ayusin pero ayokong maging conscious masyado kasi baka lalo lang akong sumablay nang todo. Ang mahalaga pa rin sa akin maibigay ko ‘yung tamang emosyon.”

“Ang totoo mas kumportable ako ka-bonding ‘yung mga crew kasi sa mga artista nahihiya ako dahil wala akong makwento. Simple lang kasi ‘yung pinanggalingan ko. Wala akong masyadong alam sa mga materyal na bagay kaya sa mga artista feeling ko naa-out of place ako. Ang nangyayari kapag artista ang kasama ko wala ako masyadong maikwento. Mas nakaka-relate ako sa mga kwento ng mga staff at crew. Nakakasama ko rin naman ‘yung mga artista pero ayokong limitahan lang ang sarili ko dun. Gusto ko makilala lahat.”

On Kris Aquino,
“Nung una natakot ako sa kanya kasi siyempre, si Ms. Kris Aquino ‘yan. Pero later on nakita ko na siya pa ‘yung nagri-reach out sa lahat sa amin. Nakikisama talaga siya sa amin. Kapag dumadating siya sa set lahat kami tumatahimik pero kapag tumagal makikita mo na ‘yung kabaitan niya. Tulad nung December lahat kami sa teleserye binigyan niya ng mga regalo. Karamihan sa amin may iba ring ginagawa kaya madalas pagod kami sa set. Pero kapag naging masaya na siya lahat kami nabubuhay bigla. Masaya siyang kasama.”

If he stays as humble as this, Coco will go a long way!

No comments: