Friday, January 15, 2010

SHIVAKER & DAIANA MENEZES : THE REAL SCORE


PARA matapos na ang isyu sa tunay na namamagitan kina Shivaker at Daiana Menezes, magpapa-inteview ang dalawa ngayong Sabado kina Eugene Domingo at Anjo Yllana sa Cool Center.

Laging may scoop ang Cool Center sa viewers tulad nu’ng interview ni Jomari Yllana tungkol kay Martin Nievera noong nagkahiwalay sila ng ex-GF na si Pops Fernandez.

Si Shivaker ng Eat Bulaga ay mainstay ng Cool Center, habang si Daiana ay may posibilidad na mag-appear nang live sa programa para magsalita na tungkol sa kanila ni Shivaker.

Aminin kaya ni Daiana na two-timer siya na nagpaligaw kay Shivaker gayung may Carl Guevarra na siya.

Pero opisyal nang sinabi ni Daiana na hiwalay na sila ni Carl o dating Carlo Guevarra, na napapansin bilang lover ni Ogie Alcasid sa Desparadas 2.

Si Carl ay mainstay ng SOP.

Mapapanood din sa Cool Center ang pagpili ng dalawang bagong sexy dancers sa show at Hubad na Katotohanan portion, puwedeng mag-uwi ang mananalong televiewers ng P10,000 worth of groceries. May ipamimigay ding sapatos si Benjie Paras sa lucky caller.

No comments: