Friday, January 15, 2010

John Estrada Kapuso Na?





Isa na namang Kapamilya star ang lilipat sa Ka­­puso network
, pero hindi pa siya puwedeng pa­­ngalanan dahil inaayos pa nang husto ang pag­li­pat ng talent. Pero nagpaalam na raw ang talent na ito sa mga bossing ng ABS-CBN at pinayagan ito, kailangan lang tapusin ang kontrata niya up to the end of this year.

Para mas makakilos, nagpalit na rin ng mana­ger ang talent sa paglipat niya ng GMA 7 at sini­guro ng bagong manager
ng talent na may show agad siya paglipat niya ng Channel 7. Maayos din ang pa­a­lam nito sa dating manager, kaya walang problema.

Ang maibibigay lang naming clue sa Kapamilya talent na malapit nang mag-ober da bakod ay lala­ke siya at minsan na ring na-involve sa kontro­ber­siya na may kinalaman sa lovelife.

Sa blind item ni Nitz Miralles sa kolum niya sa 'Pilipino Star Ngayon'
ay may isa daw Kapamilya actor na magiging Kapuso na, at ito ay si John Estrada, na matatapos na ang kanyang teleseryeng 'Dahil May Isang Ikaw' sa January 2010. Eto yung LINK malay natin magbago desisyon niya.

No comments: