Tuesday, January 19, 2010
Gerald Anderson - Mamamatay ako ’pag nawala si Kim
HABANG tumatagal, lalong lumalalim ang pagtitinginan nina Kim Chiu at Gerald Anderson na mga bida sa bagong serye ng ABS-CBN, ang Kung Tayo’y Magkakalayo, na magsisimula na bukas ng gabi.
Halos 24-7 ding magkasama ang dalawa ngayon dahil bukod sa serye, tinatapos din nila ang pelikulang Paano Na Kaya? ng Star Cinema na ipalalabas naman sa Jan. 27.
Sa interbyu sa The Buzz ni Gerald, nagbigay ito ng reaksyon kung saka-sakaling mawawala sa kanya si Kim.
“Hindi lang ako mababaliw, siguro mamatay ako,” sambit pa niya.
“Kung magkakalayo man kami, mahirap talaga. It’s very hard. Siyempre nangyayari talaga na minsan wala kaming work na mag-kasama. But if that happens, I’m sure it would be a big adjustment for both of us. Pero mas madalas na magkasama kami so we are just enjoying our moments together on and off cam,” dagdag pa niya.
Idinagdag din ng binata na sobrang masaya siya sa tumitinding closeness nila ngayon ni Kim.
“’Yung closeness namin ni Kim, sobrang level up na. It’s not like before. Close naman din kami dati pero ngayon, kahit ano sinasabi ko sa kanya and ganu’n din naman siya sa akin. Tinu-tulungan niya ako at tinutulungan ko din naman siya. Sa lahat ng bagay ito ha.
“So we’re very caring towards each other. When you reach that level of closeness kasi ibig sa-bihin talagang malaki ’yung tiwala n’yo sa isa’t isa and nandudu’n ’yung assurance na we’ll always be there for each other.”
Eh, ano ba ang bagong na-discover niya kay Kim?
“Well, actually hindi ’yung bago. Ang maganda kay Kim, kung ano siya dati hanggang ngayon, ganu’n pa rin siya. So hindi siya nagbago. ’Yun talaga ang napansin ko, how grounded she is,” kuwento pa niya.
* * *
MAY reaksyon naman si Gerald sa nagnakaw ng kanyang identity sa Facebook.
“Alam mo, kahit papano naman, it’s actually very overwhelming also kasi bakit naman niya gagawin ’yun? Why would he pose someone na hindi ko naman siya kilala? So, kumbaga, I must be someone important para gawin niya ’yun.
“But at the same time dapat may limitasyon, kasi minsan sumusobra na. Katulad ng mga ginagawa niya ngayon. Ninakaw niya ’yung mga pictures ko at ginagamit niya at sinasabi niya ako ’yun.
“Nakaka-bad-trip pero if that’s the person’s way of showing his/her support, then I am very thankful, pero sana itigil na. Hindi ko alam kung paano niya na-access ’yung pictures ko, eh, hindi ko siya friend sa Facebook. Gerald Anderson talaga ’yung account name na ginamit niya,” litanya pa ng aktor.
Magkaganu’n man, meron din daw siyang natutunan sa nangyari.
“Kasi madami din nagte-text sa akin kung ina-add ko sila, but hindi naman. Pati ’yung mga friends ko dito sa ASAP, nagulat nu’ng nalaman nila ’yun and they were also wondering kung sino ’yung poser.
“Nag-worry lang talaga ako dahil may mga taong chinachat niya nakunwari ako siya, ’yun ang medyo na-off ako. After that, na-realize ko na mahalagang pag-ingatan mo ’yung privacy mo talaga.”
Labels:
ABS-CBN,
Gerald Anderson,
Kapamilya,
Kim Chui,
KIMERALD,
Star Magic
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment