Wednesday, January 13, 2010

Pakuya-kuya ni Rhian, pinandidirihan ni TJ


HANGGANG ngayon, loveless pa rin si Rhian Ramos. Feeling niya, walang nagkakagusto sa kanya kaya nagagawa niyang magbiro na lalaki siya.

“Choice kong walang boyfriend. Dati, hindi ko pa siya choice kaya nag-try akong mag-date nu’ng nag-18 ako. Pero wala, hindi ko world o parang hindi ko pa time,” sey ni Rhian sa victory party ng Ang Panday.

Bakit tuloy pa rin ang tsismis sa kanila ni Akihiro Sato? Nag-walk out pa nga raw si JC de Vera dahil sa tsismis, huh!

“Wow, in fairness, ang tindi namin. Ewan ko kung ano ang nangyari doon. Okey naman kami ni JC,” sambit ni Rhian.

After Panday, gagawin niya ang indie film na Saving Sally, record album at may episodes sa Dear Friend with TJ Trinidad.

Hindi ba parang matanda na si TJ sa kanya bilang lover?
“Puwede namang madaan sa acting ‘yon! Ha! Ha! Ha! Sa taping nga, kinukulit ko siya. Nandidiri siya kapag tinatawag ko siyang kuya! Ha! Ha! Ha!” kuwento ng young actress na makakasama rin ang actor sa indie film niya with new leading man, Enzo Marcos.

Baka naman ma-develop na sila ni TJ, huh!
“Hindi ko alam! Ha! Ha! Ha! May girlfriend ‘yon!” tugon ni Rhian.
Pagdating sa mga daily soap, ayaw muna niyang mag-commit na gagawa muna dahil gusto niyang gawin ang una niyang plano bago aksidenteng ginawa ang Stairway To Heaven.

Eh, boyfriend?

“Wala! Si JC? Never naman naging kami. Sa tingin ko, hindi pa rin magkakaroon this year,” sey niya.

Eh, kumusta sila ni Dingdong Dantes after STH?
“Hindi na kami nagkita ulit, eh. Ha! Ha! Ha! Wala. Work friend. Hindi kasi kami masyadong magimik kaya hindi na kami nagkita ulit! Ha! Ha! Ha!” katwiran niya.

No comments: