Monday, January 18, 2010
Buzz Exclusive: Kris asks for space; James Yap: Mayen is not my girlfriend
Nagsalita na si Kris Aquino kahapon sa The Buzz kung saan ibinahagi niya ang kontrobersiyang namamagitan sa kanila ni James Yap na kanyang asawa.
Sa ngayon ay separated sila dahil naninirahan ngayon si Kris kasama ang kanyang dalawang anak sa kanyang sister Pinky.
“I’m not saying that the marriage is over. In my heart, gusto ko the marriage to work for our kids. I’m not putting a period, I’m not saying this is the end of the road. I’m hoping and praying maayos namin lahat pero kailangan ko rin ng space,” she told co-host Boy Abunda at The Buzz.
Ibinahagi rin niya ang kanyang view ng umano'y confrontation with Mayen Austria, na kinikilalang girlfriend daw ni James Yap.
“When he (James Yap) answered, I heard a girl crying. I could hear their conversation because it was quiet in the house. Sinasabi noong girl, ginawa ko naman lahat… then James answered na kung ayaw sa ‘yo, ‘wag mo pagpilitan ang sarili mo,” Aquino narrated.
“Sabi ni James nagsabi sa kanya na iniwan daw ng isang guy and ‘di alam ang gagawin.’ I asked him kung kilala niya iyong guy, he said no. So nagtaka ako, I said bakit ikaw ang iniiyakan?
Inamin niya na pumunta siya sa bahay ng mga Austria, ngunit, “Never ako nagmura, never nanlait. Pinaramdam ko lang ang aking displeasure, siyempre asawa ako.
“Mrs. Austria, on behalf of my family, hindi naman nga po kayo ang nanggulo sa asawa ko, kaya humihingi ako ng tawad sa inyo, pati kayo nadamay dito.
Nagsalita na rin ang kanyang asawa na si James Yap sa isang interview with ABS-CBN.
“Hindi naman totoo ‘yon, hindi naman totoo. Siyempre lumalabas na naman ngayon na babae ko ‘yon. Hindi ko naman mabi-blame si Kris na mag-react ng ganoon. May karapatan naman si Kris na mag-react ng ganoon dahil asawa niya ako,” pahayag ng basketbolista.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment