Thursday, January 21, 2010

Melissa Ricks denies she’s a ‘playgirl’


Nagpapasalamat si Melissa Ricks sa patuloy na pagbuhos ng biyaya sa kanyang career. Bukod sa napakataas ng ratings ng kaniyang bagong teleseryeng Tanging Yaman ay masaya rin si Melissa sa Paano Na Kaya?, ang kanyang unang movie sa Star Cinema kung saan gaganap siyang ka-love triangle nina Kim Chiu at Gerald Anderson. Gumaganda man ang takbo ng career ni Melissa ay patuloy naman ito binabatuhan ng intriga lalo na pagadating sa kanyang love life.

Hindi pa rin nga matapos-tapos ang isyu na ‘di umano ay sila na ni Jake Cuenca. Paulit-ulit nang sinabi ni Melissa na nanliligaw pa lang si Jake at hindi pa sila magkasintahan, pero dahil marami pa rin ang nagiging saksi sa closeness nila behind-the-camera ay nagmumukha tuloy na “denial queen” si Melissa. Ang reaksyon lang ni Mel sa mga negative issues na ito, “Hindi ko na kasi alam kung ano dapat ko pang sabihin. Feeling ko ‘yung mga tao gusto nila sabihin ko na kami na nga ni Jake para lang matahimik na sila. E hindi naman, so ano, magsisinungaling ako? First time kong ma-issue nang ganitong katindi. Siguro lang maraming natutuwa sa idea na kami ni Jake kaya pinu-push talaga nila.”

Bukod kay Jake ay nachismis na rin si Melissa sa ibang mga young actor tulad nina Rayver Cruz, Jolo Revilla, at sa kanyang ka-love team na si Matt Evans. Dahil dito ay may nakakapagsabing parang may pagka-playgirl itong si Melissa. Depensa naman ng young actress, “May lumabas dati na kami ni Rayver, e wala naman talaga. Tapos sumunod si Jolo dahil sa Agimat, na wala rin. Hindi ko naman piniling ma-link sa kanila. Nakatrabaho ko sila, mga kaibigan ko sila, ‘yun lang. Si Jake naman, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit super hot ng issue na ‘yan. Inamin ko na na nanliligaw siya pero hindi kami.”

Kahit na nali-link siya sa ilang gwapong lalaki at may nanliligaw sa kanyang tulad ni Jake, nilinaw ni Melissa na walang siyang time para sa isang seryosong relasyon sa ngayon. “Ang tagal kong inalagaan ‘yung career ko. Lately ang gaganda ng mga projects na ipinagkakatiwala sa akin so ‘yun ang focus ko sa ngayon. When you get into a relationship kailangan mong paglaanan ‘yun ng time and gusto ko kapag nagka-boyfriend ako e mabibigyan ko siya ng time na deserve niya.”

No comments: