Wednesday, January 13, 2010

BLIND ITEM: Beteranong aktor, nagparetoke ng mukha!

MALAKI ang ipinagbago ng mukha ng isang veteran actor. Hindi man niya aminin, halatang-halata na may ipinaayos siya sa kanyang mukha dahil bumata ang kanyang itsura.

Nawala ang eyebags at ang malalalim na guhit sa mukha ng aktor. Hindi na rin humpak ang kanyang mga pisngi.

Ang duda ng mga nakakita sa aktor, sinamantala niya ang holiday season para ipaayos ang kanyang mukha.

Walang ipinagkaiba ang aktor sa isang controversial politician na malaki rin ang ibinata ng itsura dahil sa tulong ng siyensya.

Hindi nga lang pulido ang pagkakaretoke sa mukha ng pulitiko dahil hindi na pantay ang kanyang mga mata mula nang magpa-botox siya.

No comments: