Sunday, January 10, 2010

KRIS BERNAL : RETOKE PRINCESS???


ISA kami sa nakapansing tila may naiba sa hitsura ni Kris Bernal nang humarap ito noong Miyerkoles ng gabi sa paglulunsad ng pinakabagong show ng GMA 7, ang The Last Prince na mapapanood na sa Lunes, Enero 11.

Hindi pala kami nagkamali sa aming pagtingin dahil may kumalat palang tsika na nagpa-ayos ng mukha ang dalagang kapartner ni Aljur Abrenica na siyang bida sa The Past Prince.

“Sabi nga nagpa-collagen daw ako. Ano bang ginawa ko sa mukha ko? Wala nga, eh. Ang weird po ng mga tao. Pero kahit ako, nawi-weirduhan din ako na kapag pumayat pala ako, ganito pala ang hitsura ko, iba pala hitsura ko. Dahil lang po ito sa pagpayat ko. Hindi po ako collagen beauty! Pumayat po talaga ako,” giit ni Kris.

Ani Kris, two months siyang nag-workout. “Fruits and veggies lang ang kinakain ko. Minsan hindi pa kompleto sa isang araw’yung pagkain ko dahil sa trabaho. ’Yun nga, nag-gym po kasi ako. Kasama ko po si Aljur, nagdyi-gym po kaming dalawa. Kinarir ko ’yun kung gaano niya kinarir’yung pagdyi-gym. Eh, kaso nga payat na ako, pumayat pa lalo ako ngayon,” anang dalaga.

Pero, sinabi ni Kris na hindi niya alam kung tatanggapin siya ng tao sakaling magpa-sexy siya dahil mukha raw kasi siyang bata.

Sa kabilang banda, masayang-masaya si Kris dahil muling pinagkatiwalaan ng GMA 7 ang kanilang tambalan ni Aljur. Dahil kasi ito sa mataas na ratings at pagtangkilik ng mga manonood sa nauna na nilang pinagbidahang panghapon Sine Novela na Dapat Ka Bang Mahalin? at early primetime soap na All My Life.

“Grabe, ang laki talaga ng pasasalamat namin ni Aljur sa GMA sa tiwala po nila sa amin! Overwhelmed po talaga ako dahil after All My Life, hindi nila pinatagal, ‘eto, may bago kaagad na mas malaki pang project,” paglalahad pa ni Kris.

Pero hindi naman alintana ni Kris na ang bida sa bago nilang proyekto ay si Aljur. “Hindi po, okey lang sa akin. Masaya ako para sa aming dalawa. Masaya ako para kay Aljur. Ako naman kasi kahit anong role, kahit nga supporting lang, basta may project ako at may ginagawa po ako, okey na sa akin ‘yun.”

No comments: