Sunday, January 10, 2010

‘COMING OUT BIRTHDAY PARTY NI PIOLO PASCUAL ANG ASAP YESTERDAY?’ – ALFIE LORENZO


ANG laking kaestupiduhan talaga ang ginawa ng “ASAP” kahapon sa birthday presentation for Piolo Pascual na itinutu­ring nilang heartthrob, pero ang image na ipininta ay hindi klaro - kung ito ba ay syokoy o sirena?

Diyosa ba tulad ni Anne Curtis na kalahati tao-kalahati kabayo? Si Piolo ba ang image ng Singapore na kalahati lion kalahati isda? Anoh bah talaga?

Matagal nang pinagpasensyahan ang mala-Halloween party sa gulo na presentation linggu-linggo, parang karnabal-comedy bar-tawag ng tanghalan format ng Sunday show. Basta kanta lang nang kanta kung sino ang dumating, isalang! Wala talagang format. Ni hindi pinag-iisipan ng mga writers ng programa kung ano ang mga pinapakawalan nila diyan!

Isipin na lang sana nila kung ano ang mga ipapakanta at ano ang ibig sabihin ng mga lyrics ng bawa’t kanta kung may malisya bah? Basta lang ba makapagpakanta at paramihan ng naghandog ng kanta o nakaduweto ni Piolo ay dapat ng ipagpasa­lamat even if it destroyed the i­mage of their heartthrob?

Matagal ng kinukuwestyon ang tunay na kasarian ni Piolo. Tsismis ‘yan around the world. And yet they do not make the necessary damage control to prevent na mas lumala pa ang tsismis na bakla si Piolo. What are his protectors trying to do – suck it to us?

Isa si Eric Santos sa mga unang natsismis sa kanya. Hayun at nagduweto sila kahapon sa isang meaningful love song.

Kuwentuhan na si Richard Poon naman ang latest ni Piolo. Hayun at sinundan si Eric Santos sa isang madamdaming love song pa rin! Ayaw padaig kay Eric ang Richard, huh!

Okey na okey lang sana na over pa sa pagka-okey kung ang nakaduweto ni Piolo sa mga love songs na ‘yun ay mga babae na tinambak onstage, pero nabalewala pati na presence ni KC Concepcion – natakpan ng duweto ni Piolo kay Eric and later with Richard Poon! Naman!

Kagagaling lang daw ni Piolo sa Hong Kong? Dinalaw kaya si Eric Quizon! Reunion? Nag-konek-konek na naman ba uli?

Bakit wala si Rustom Padede sa mga kumanta? Kaya rin naman niya ah? Si JM Rodriguez, Zanjoe, Christian, Mark – out na ba sila?
The more na maipagsisigawan namin ngayon na sadyang nagkamali ng pagpili ng “tatay” kuno ang Piolo dahil ‘di naremedyuhan ang mga tsismis kay Piolo kundi lalo pang pinalala sa ngalan ng komer­syalismo! Bahala na nga sila!

At kayo rin! Kesehoda kung lalake man o bakla ang idolo nyo basta ba idol nyo eh – who cares, debah!

***

At mandin ay natulala yata sa panonood ang lahat ng nasa “Asap-Asap” dahil sa inggit sa romantic duets nina Piolo at Eric and Richard Poon, lahat ng mikropono nila eh dead talaga!

Ibig bang sabihin niyon ay pinatay nilang lahat ang mga mikropono dahil magli-lip synch lang ang Papa Piolo ko? Hindi naman halata, debah? Kundi lang patay lahat ng gamit na microphones na nabuko nu’ng mag-endorse si Vhong Navarro ng Selecta ice cream niya na sinundan ng mga bagets na walang nadinig na anuman mula sa gumagalaw nilang mga bibig! Try to deny this at isasampal ko ang DVD copy ko sa kanila!

-- ALFIE LORENZO

No comments: