Sunday, January 10, 2010

Dahil kay Regine, movie nila ni Aga ‘di matapus-tapos?!


From some sources, napag-alaman ko na baka hindi matapos ang ginagawang pelikula nina Regine Velasquez at Aga Muhlach in time for its February showing.

Lubha raw naging abala nitong mga nakaraang buwan ang Songbird kung kaya nabalam ang shooting ng movie. Nakaapekto raw ang pagpunta niya ng Australia at nang siya ay bumalik ay tinanggap naman niya ang kontrabida role sa Darna.

Nakapanghihinayang dahil magandang buwan ang February para sa pagpapalabas ng napaka-romantiko nilang pelikula, hindi man umabot sa Valentine’s Day, puwede namang maging post Valentine offering pero, maging ito raw ay nagiging imposible na. Kung hindi talaga aabot ng buwan ng Pebrero, maaantala na nang husto ang pagpa­pa­labas nito dahil hahanapan pa ng magandang playdate.

VERONICA SAMIO – PILIPINO STAR NGAYON

No comments: