Saturday, January 09, 2010

Kris Aquino reveals how she is able to juggle her shows


Nag-pictorial na ang Queen of All Media na si Kris Aquino para sa pinakabago niyang show sa ABS-CBN, ang Pilipinas Got Talent. Kasabay na nag-pictorial ni Kris ang isa rin sa mga uupong hurado sa Pilipinas Got Talent at dating presidente ng ABS-CBN na si Freddie Garcia. “Na-tense ata siya (Freddie) kasi kanina because he kept saying he was used to being behind the camera, ‘yung calling the shots and ano but now he was in front. Nawindang daw siya dahil nu’ng nagsalita ako para raw ako ano, tuluy-tuloy-tuloy and then siya ‘yes.’ ‘Yun lang daw ang nasagot niya. So, ‘yun maybe that’s why,” bungad ni Kris.

Kilala si Freddie sa mundo ng telebisyon na may pambihirang galing sa pagi-innovate ng mga bagong programa pati na sa pagpapasikat ng artista. “Yeah, kasi parang nu’ng prini-preview nila, kasi nagpunta sa London si Alou (Alamaden, Business Unit Head ng PGT), si Direk Bobet (Vidanes) to buy Britain’s Got Talent ‘di ba ‘yung franchise. Parang what happened was nu’ng prini-preview daw nila from, ah, si Boss Gabby (Lopez), si Tita Cory (Vidanes), si CSC (Charo Santos Concio) ‘yung programming committee na, ‘yung execom, they all said you’re bagay to do this, ikaw dapat ang mag-judge. And then, ang tagal-tagal kinunvince. And then, ‘yun na. Naging judge na siya. So now on the 22nd of January ang punta namin sa Cebu and then 29 Cagayan de Oro. Tapos first week of February is Manila. Second week of Feb is Baguio. And third week of February in Batangas. Pero ‘yung premiere nito sa TV is February 14, Sunday.”

Nabalita rin kamakailan na ang Megastar Sharon Cuneta na raw ang isa sa judge ng Pilipinas Got Talent. “I backed out kasi hindi ko talaga kaya doon sa schedule ng Kung Tayo’y Magkakalayo. And then, bago mag-Christmas break nakasalubong namin palabas ako, nandu’n si Louie (Andrada), si Tita Cory (Vidanes), si Alou (Almaden), si Direk Bobet (Vidanes), Sharon has backed out dahil mayroong nasagasaang schedule on February na napangako niya sa mga anak niya na maga-out of the country sila. And there was no way daw talaga na hindi gamitin ang February na ‘yun. And then, Tita Cory said, if you were able to fix your schedule with Deo (Endrinal) and your taping sa Kung Tayo’y Magkakalayo will you do it’ And then, I said, ‘If Deo says it’s okay at magagawan niya ng paraan, then, ‘yun ang mangyayari. But the thing is, grabe talaga ‘yung workload. Tapos like this week, sad, Wednesday and Friday, wala ako sa SNN kasi nga next week,” say ni Kris.

Hindi ba magre-remote ang SNN sa taping niya para live pa rin siyang makakasama sa ere ng kasama niyang host sa show na si Boy Abunda. “No, no. Only because this week and next week talagang ngaragan dahil nga magpa-pilot on the 18 (January) ang Kung Tayo’y Magkakalayo. Nakiusap sina Dagang (Vibar, EP ng Kung Tayo’y Magkakalayo) kay Louie (Andrada, Business Unit Head ng SNN) at kina Nancy (Yabut, EP ng SNN) na is it okey na for the two weeks wala siya Wednesday and Friday para tuluy-tuloy. Kasi four hours din ang nawawala, e, doon s ataping. E, as it is now, we are about to pilot two weeks, hindi pa nasasarta ‘yung week two. Nakakaloka. Hand-to-mouth talaga ang mangyayari. Sana nga dapat advance kami. We wish talaga dapat talaga around my birthday din magla-launch ito. Pero napaaga lang. So, that’s why hand-to-mouth siya. I think also kasi nagkataon na sina Kim (Chiu) and Gerald (Anderson) is last week of January. So, mas maganda na nauna ito para promo an rin sa movie nila na Paano Na Kaya.So, ‘yun ang mangyayari.”

Binigyang linaw din ni Kris ang isyu na nag-away sila ni James bago mag-Pasko dahil sa kanyang busy schedule. “Hindi siguro I think ang nangyayari lang talaga like any ordinary couple nagkakaroon kayo ng tampuhan. Tapos uh, it depends na lang. Maswerte ako kasi ang family ko very close sa kanya. So, nakakausap niya. So, naaayos ‘yung problema ahead of time. Pangit kung kunyari ‘yung in-laws mo pakialamera tapos hindi kayo magkasundo ‘yun ang nakakasira sa relationship. Pero kapag ‘yung mga in-laws mo kasundo and also siguro ‘yung friends ko rin naman that I hang-out with hindi naman ‘yung mga type na BI (bad influence),” tapos ni Kris.

No comments: