Sunday, January 10, 2010

OYO BOY SOTTO AT KRISTINE HERMOSA: CAUGHT EATING ICE CREAM AND LOLLIPOP WHILE WALKING TOGETHER AT EASTWOOD MALL


Minsan, may ‘lull’ and ‘dumb’ moments din ang mga paparazzis, media people and cameramen. Aba naman, isang araw na may isang music video shoot na kino-cover ang mga ito sa Eastwood Mall, dumaan na sa kanilang mga harapan ang isang napaka-candid and very in-demand na showbiz couple, eh, mga nakatanga pa silang lahat! Hindi nila namalayan, hayun at naglalakad na sa mismong harap nila sina Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa na magkahawak-kamay pa na namamasyal sa Atrium area ng bagong-tayong Eastwood Mall (na very relaxing at very sosyal ang ambience). Si Kristine ay may hawak-hawak na lollipop, samantalang si Oyo Boy naman ay nilalasap ang isang cone ng ice cream. Wala silang pakialam na naglakad sa harapan ng mga media people, paparazzis and cameramen nu’ng hapon na yun dahil alam nilang dalawang mga “unconscious” lahat ng mga media people the very time they walked infront of them. Hindi na sila nagtago o nagtakip ng mukha dahil nakita nilang walang kamalay-malay ang mga media people nu’ng mga sandaling iyon. May mga natutulog, may mga nakatanga at nakatanaw lang sa itaas ng kisame, may mga nagtsistsismisan na hindi alam ang nangyayari sa paligid, at may mga nagti-text lang. Ito ang tinatawag na “lull” moment talaga ng mga media people habang naghihintay sa mga taong iko-cover nila that afternoon. Samantalang ang tunay na scoop ay dumaan na sa kanilang harapan! Hay naku!
Tanging ang writer na ito ng Aliwan Avenue at isa pang lady reporter ng Sunstar online news ang nakapansin sa pagdaan nina Oyo Boy at Kristine. Naku, napaka-guwapo ni Oyo Boy nu’ng hapon na yun, akala ng writer na ito ay isa siyang European model sa kaguwapuhan. Lumaki ang katawan at naging matipuno to the max ang mga braso at dibdib ni Oyo Boy, habang mariin niyang hawak-hawak ang isang kamay ni Kristine na kumakain ng lollipop ng mga sandaling iyon. Sa totoo lang, halos malaglag ang mga panty ng writer na ito at nung isa pang lady reporter sa kaguwapuhan ngayon ni Oyo Boy, para bang gusto na nilang lumapit at itulak palayo si Kristine Hermosa! Isa siyang sagabal!!!
Pero based sa actions and movements ng dalawa, silang-sila na nga. Tila mahal na mahal ni Oyo boy si Kristine. Pinoprotektahan niya maige ang bawat kilos at galaw ng babae habang naglalakad sila. At si kristine naman, girl na girl sa piling ni Oyo Boy.

No comments: