Sunday, January 10, 2010

Juday, Claudine, Jolina at Iza sa “Quija 2″


MAGTAGUMPAY kaya ang Viva Films at GMA Films na pagsamahin sa pelikula sina Claudine Barretto at Judy Ann Santos?

Nabalitaan kasi naming mapapabilang sa cast ng sequel ng Ouija si Claudine, kung saan original cast si Judy Ann.

Kung mangyayari ito, first time magkakasama ang dalawang aktres sa isang project.

Tingnan natin kung magawa ng Viva Films at GMA Films ang hindi nagawa ng ABS-CBN at Star Cinema na pagsamahin sa movie o soap sina Claudine at Judy Ann.

Kasama rin sa movie si Jolina Magdangal kaya lalabas na sa cast, si Iza Calzado lang ang homegrown GMA-7 talent dahil ang tatlo’y pare-parehong galing sa ABS-CBN.

Isa lang ang Ouija sa mga pelikulang gagawin ni Claudine dahil may movie project din sila ni Mark Anthony Fernandez, ’di nga lang natuloy ang storycon dahil hindi dumating ang actor.

Siguro naman, next time na mag-schedule ng storycon ang Viva Films, darating na ito.

NITZ MIRALLES – JOURNAL ONLINE

No comments: